Kaso ng COVID-19 sa Bicol region, nanatili sa 68
Walang bagong naitalang nagpositibong residente sa Bicol region sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol, nanatili sa 68 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa nasabing rehiyon.
Sa lumabas na 73 test results, 72 ay negatibo habang isang repeat swab test ang positibo.
Ito ay ang 18-anyos na Filipinong babae na mula sa Legazpi City, Albay.
Nasa 21 ang suspected cases habang tatlo ang probable cases sa Bicol.
Sinabi rin ng DOH CHD – Bicol na 47 ang gumaling na sa pandemya at lima ang pumanaw sa nasabing rehiyon.
Samantala, iniulat din nito na nagsimula nang kumuha ng samples anng Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory, araw ng Martes (May 26).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.