Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Butuan City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 47 degrees Celsius (alas-11:00 ng umaga).
Naitala rin ang 47 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa Dagupan City at Roxas City.
Naitala naman ang 45 degrees Celsius na heat index sa Sangley Point, Cavite City.
Samantala, naitala naman ang 44 degrees Celsius na heat index sa sumusunod na lugar at oras:
Calapam City (2:00PM)
Dipolog City (11:00AM)
Science City of Muñoz (2:00PM)
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.