Radio reporter patay sa pananambang sa Zamboanga del Sur

By Jay Dones February 17, 2016 - 04:31 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay sa tama ng bala ang isang mamamahayag sa Zamboanga Del Sur.

Ayon sa report na tinanggap ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP, ang nasawing biktima na si Elvis Ordaniza ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Pinasok umano ng salarin ang biktima sa kanyang bahay at pinaputukan gamit ang kalibre .45 baril.

Si Ordaniza ay reporter ng dxWO Power99-FM na nakabase sa bayan ng Pitogo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang motibo at kung may kinalaman ang trabaho nito bilang mamamahayag sa pagpatay sa biktima./Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.