Anini-y, Antique niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Antique.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 21 kilometers southeast ng Anini-y, alas-7:30 gabi ng Martes (May 26).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang intensity 3 sa Anini-y, Antique.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...