Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 211 na

Nasa 211 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:25, Martes ng hapon (May 26), sa nasabing bilang ay 34 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Ayala Alabang at Putatan na umabot sa 32 cases.

Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 22
– Poblacion – 29
– Buli – 4
– Bayanan – 14
– Alabang – 21
– Cupang – 28
– Sucat – 29

186 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 29 ang suspected cases.

Samantala, 145 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 32 ang nasawi.

Read more...