Southwesterly windflow, Easterlies nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na nakakaapekto ang ilang weather system sa bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na umiiral ang Southwesterly windflow sa bahagi ng Northern Luzon.

Ang frontal system naman na nakakaapekto sa extreme Northern Luzon ay unti-unti nang lumalayo sa bansa.

Samantala, easterlies ang nararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ani Aurelio, sa susunod na mga oras, makakaranas ng bahagyang maulap na papawirin na may tsansa ng isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorm.

Tiniyak din nito na walang binabantayang bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Read more...