Health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 2,420 – DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) na may panibagong healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere na umakyat na sa 2,420 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang May 25.
Sa nasabing bilang, 1,226 ang aktibong kaso kung saan 288 ang asymptomatic, 936 ang mild at dalawa ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 682
– Nurse – 879
– Nursing Assistant – 148
– Medical Technologist – 89
– Radiologic Technologist – 45
Nasa 304 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
1,163 naman ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang May 25.
Sinabi ni Vergeire na paunti na nang paunti ang bilang ng napapaulat na health workers na tinatamaan ng COVID-19.
Dagdag nito, nasa 31 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.