Karagdagan pang 2,003 na overseas Filipino workers (OFWs) ang nagnegatibo sa COVID-19.
Sa datos ng Philippine Coast Guard hanggang May 26, lumabas na negatibo ang nasabing bilang ng OFWs, Filipino seafarers, at returning Filipinos sa isinagawang RT-PCR testing ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.
Sinabi ng ahensya na kailangan lamang ipakita sa tauhan ng PCG o Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kabilang sa listahan ng mga negatibo para makapag-avail ng libreng sakay patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ibibigay ang quarantine clearance ng mga OFW sa PITX o NAIA.
Maaari na ring makita ang ika-pitong batch ng mga nagnegatibong OFW sa COVID-19 via online.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.