Website ng Kalingang QC Online Payout, inaayos pa rin

Inanunsiyo ng Quezon City government na patuloy na nakararanas ng server-related issues ang website ng Kalingang QC Online Payout.

Dahil dito, inabisuhan ng QC local government unit ang mga residente sa lungsod na inaayos pa ang problema sa website na qceservices.quezoncity.gov.ph.

Sinusubukan anilang maibalik sa normal ang operasyon ang website sa lalong madaling panahon.

Humingi rin ng pang-unawa ang QC government bunsod ng nararanasang problema sa naturang website.

Read more...