outbrain

James Reid, pinangalanan bilang Ambassador of Food Security ng DA

By Angellic Jordan May 26, 2020 - 04:02 PM

Pinangalanan ang aktor na si James Reid bilang Ambassador of Food Security ng Department of Agriculture (DA).

Sa Instagram, nagpasalamat ang aktor sa ibinigay na pagkakataon ng kagawaran sa kaniya para makatulong.

“LETS GROOOW 🤟🏼 Thank you to the Department of Agriculture and Secretary Dar for trusting me with the role of Ambassador of Food Security. Thanks for the gift 🌱 Can’t wait to show everyone what we’ve been working on during quarantine! #plantplantplant,” caption ni James sa kaniyang IG post.

Samantala, pinangunahan ni DA Secretary William Dar at iba pang opisyal ang paglulunsad ng Plant Plant Plant program sa DA Central Office sa Quezon City, araw ng Martes.

Kasama sa paglulunsad ng bagong proyekto si James at young agripreneurs na sina Jeffrey Oh at Fiona Faulkner.

Nangako naman ang aktor na patuloy na magpapakalat ng impormasyon sa publiko ukol sa adbokasiya ng DA sa kampanya ukol sa food security, food accessibility at affordability, at importansya ng tungkulin at kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda.

TAGS: Ambassador of Food Security, DA Ambassador of Food Security, Inquirer News, james Reid, lifestyle, Plant Plant Plant program, Radyo Inquirer news, Ambassador of Food Security, DA Ambassador of Food Security, Inquirer News, james Reid, lifestyle, Plant Plant Plant program, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.