Pag-iimbestiga sa umano’y overpriced PPE, hindi na kailangan – Palasyo
Inihayag ng Palasyo ng Malakang na hindi na kailangang magsagawa ng imbestigasyon sa anomalya hinggil sa umano’y overpriced personal protective equipment (PPE).
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na malinaw at nagbigay pa ng opinyon ang mga doktor na walang iregularidad dahil set na ang PPE.
Kasama na aniya sa PPE ang goggles at proteksyon sa paa.
Matatandaang sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagtanggol nito si Health Secretary Francisco Duque III ukol sa procurement ng PPE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.