Pagpasa sa Marawi Compensation Bill iginiit sa Kamara

May 26, 2020 - 01:32 PM

Tatlong na taon ang nakalipas matapos ang May 23, 2017 Marawi seige pero patuloy na nararanasan ng mga taga rito ang epekto ng limang buwang digmaan.

Dahil dito, sinabi ni House Committee on Muslim Affairs Chair at Lanao del Sur Rep. Hooky Alonto Adiong na patuloy niyang isinusulong ang House Bill 3418 o ang Marawi Compensation Bill.

Nananatili pa rin kasi aniya sa mga temporary shelter ang mga biktima ng giyera.

Naniniwala ang mambabatas na makatutulong ang nasabing panukala upang maibsan ang nararanasan ng kanyang mga kababayan na nawalan ng tirahan at maging ng ikinabubuhay.

Ayon kay Alonto-Adiong, marami nang sakit na pinagdaanan ang mga taga Marawi at dumagdag pa epekto ng COVID-19.

Sa ilalim ng panukala, nais nito na mabigyan ng kabayaran ang mga indibidwal at negosyo na naapektuhan ng giyera.

Kapag naging batas ang panukala ni Alonto-Adiong, magkakaroon ng standards para sa compensation ng may-ari ng mga bahay at negosyo na nasira ng limang buwang giyera maging ito ay partial o fully damaged.

Nakasaad din sa panukala na lumikha ng local board na mangasiwa ng screening at pagbabayad sa mga biktima.

TAGS: 2017 Marawi siege, Inquirer News, Marawi Compensation Bill, marawi siege, Radyo Inquirer news, Rep. Hooky Alonto-Adiong, 2017 Marawi siege, Inquirer News, Marawi Compensation Bill, marawi siege, Radyo Inquirer news, Rep. Hooky Alonto-Adiong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.