12,107 PPE shipments, nai-release na ng BOC

Nakapag-release ang Bureau of Customs (BOC) ng 12,107 na personal protective equipment (PPE) shipment.

Ayon sa ahensya, 40 ang nai-release na kargamento kahapon, May 25.

Nai-release ang PPE shipments sa bahagi ng NAIA, Clark at Cebu.

Simula noong March 9 ay tiniyak ng BOC ang same-day release ng mga PPE shipment at iba pang kailangan para sa COVID-19 response ng bansa.

 

 

Read more...