Sen. Koko Pimentel sinabing dapat may diskwento sa upa ang maliliit na negosyo
Maaring hanggang 50 porsiyento ang dapat ibigay na diskuwento sa mga espasyo na inuupahan ng mga maliliit na negosyo.
Sinabi ito ni Sen. Aquilino Pimentel III para magkaroon ng mitsa ang pagbagon ng ekonomiya ng bansa.
Ayon pa kay Pimentel malaki na ang nawala at nalugi sa mga malilit na negosyo at aniya ang isang paraan para sila ay makabangon ay ang pagpapagaan sa ilang bayarin kasama na ang bayad sa upa.
Binanggit ng namumuno sa Senate Committee on Trade na bagamat maari nang magbukas muli ang mga negosyo sa pag iral ng general community quarantine at modified ECQ, maraming negosyo ang hindi pa rin makapagbukas dahil malaking problema nila ang bayad sa upa.
Sinabi nito na higit 50 porsiyento ng mga negosyo sa bansa ay mga medium, small and micro enterprises kayat kung pasisiglahin muli ang ekonomiya ng bansa dapat tulungan ang mga maliliit na negosyo at sila naman ay makakapagbigay ng trabaho.
Sa porsiyento ng mga maliliit na negosyo halos kalahati na rin ay nasa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon Regions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.