PNP naglunsad ng sariling COVID-19 laboratory

Naglunsad ng sariling COVID-19 laboratory ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, maliban sa mga pulis sa PNP headquarters, gagamitin din ang laboratoryo sa pag-test sa mga pulis mula Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon.

Ani Gamboa, kayang magproseso ng 40 test kada araw ng laboratoryo.

Nakapasa aniya sa RITM at DOH health standard requirements ang pasilidad.

Gagamitin naman ng PNP ang P5 milyong donasyon ng grupo ng mga abogado para makabili ng testing kits.

 

 

 

Read more...