Tatlong panukalang batas na may kaugnayan sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 aaprubahan ng komite sa Kamara
Tatlong panukalang batas na may kaugnayan sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 ang nakatakdang aprubahan ngayong araw sa Kamara.
Sa isasagawang sesyon ngayong araw, aaprubahan ng special House panel on coronavirus ang panukalang P548-billion Philippine Economic Stimulus Act (Pesa) at ang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, maaaprubahan din ang panukala na magpapataw ng parusa sa sinumang sangkot sa diskriminasyon sa mga tinamaan ng COVID-19 o hinihinalang meron nito, gayundin ang mga health-care workers at iba pang frontliner.
Ang nasabing mga panukala ay aaprubahan ng COVID-19 ad hoc committee sa sesyon ngayong umaga.
Sinabi ni Romualdez na inaasahan ang mabilis na aksyon sa nasabing mga panukala sa sandaling maipasa na ito sa plenaryo para sa pag-apruba sa second reading.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.