Alas 10:30 ng gabi ng Lunes (May 25) at alas 12:20 ng madaling araw kanina nang dumating sa Daniel Z. Romualdez Airport ang mga OFW.
Pagdating ng Tacloban ay kailangang muling sumailalim sa quarantine ng mga OFW kahit nakatapos na sila ng 14 days quarantine sa Metro Manila.
Ayon sa isa sa mga OFW na si “Quenzelle” ito na ang magiging ikatlo niyang quarantine.
Una ay nang bumaba siya sa pinagtatrabahuhang barko sa London noong Marso, ikalawa ay sa Maynila at ikatlo ngayon sa Tacloban.
Ang mga dumating na OFWs ay bibigyan ng tags habang tinatapos nila ang 14-day quarantine period.
MOST READ
LATEST STORIES