Mga OFW na nakauwi na ng Tacloban muling sasailalim sa quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo May 26, 2020 - 07:42 AM

Dumating na sa Tacloban ang 35 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatapos ng kanilang quarantine sa Metro Manila at nag-negatibo na sa COVID-19.

Alas 10:30 ng gabi ng Lunes (May 25) at alas 12:20 ng madaling araw kanina nang dumating sa Daniel Z. Romualdez Airport ang mga OFW.

Pagdating ng Tacloban ay kailangang muling sumailalim sa quarantine ng mga OFW kahit nakatapos na sila ng 14 days quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa isa sa mga OFW na si “Quenzelle” ito na ang magiging ikatlo niyang quarantine.

Una ay nang bumaba siya sa pinagtatrabahuhang barko sa London noong Marso, ikalawa ay sa Maynila at ikatlo ngayon sa Tacloban.

Ang mga dumating na OFWs ay bibigyan ng tags habang tinatapos nila ang 14-day quarantine period.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, returning OFWs, State of Emergency, Tacloban City, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, returning OFWs, State of Emergency, Tacloban City, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.