13 anyos na bata nasawi matapos bumagsak ang tinitirahang bahay sa gilid ng estero sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo May 26, 2020 - 07:30 AM

Nasawi ang isang 13 anyos na batang babae habang sugatan naman ang tatlong iba pa nang bumagsak ang kanilang tinitirahang bahay na nasa gilid ng estero sa Brgy. Obrero.

Sa pahayag ng Quezon City Local Government, pumanaw ang 13 anyos na bata habang kritikal ang kondisyon sa East Avenue Medical Center ng dalawa pang bata at kanilang lola.

Tiniyak naman ng QC LGU ang pagkakaloob ng karampatang tulong sa mga naapektuhan kabilang na ang pagsagot sa burial at hospital expenses.

Inatasan din ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Department of Building Official (DBO) at ang Housing and Community Development and Resettlement Department (HCDRD) para imbestigahan ang insidente.

Pina-uupdate din ang imbentaryo ng mga pamilyang naninirahan sa gilid ng mga estero.

Sa ginawang imbestigasyon, ang pamilya ng mga biktima ay kabilang sa 47 pamilya na inirekomenda ng QC LGU sa National Housing Authority na mai-relocate.

 

TAGS: DRMMO, estero, Inquirer News, News in the Philippines, NHA, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DRMMO, estero, Inquirer News, News in the Philippines, NHA, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.