WATCH: Pacman, nag-sorry sa LGBT community

By Den Macaranas February 16, 2016 - 08:35 PM


Video grab from Manny Pacquiao’s facebook account

Nag-sorry na sa Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community si People’s Champ Manny Pacquiao makaraan niyang sabihin na mas masahol pa sa hayop ang mga nakikipag-relasyon sa kanilang kapwa lalaki o babae.

Ilang oras makaraang lumabas ang kanyang pahayag ay naging trending ang nasabing issue sa iba’t ibang mga social networking sites kung saan ay inulan ng batikos mula sa LGBT community ang pambansang kamao.

Nauna na ring sinabi ni Pacquiao na ibinabase lamang niya ang kanyang pahayag sa nilalaman ng Biblia tungkol sa pakikipag-relasyon.

Sa kanyang facebook account, isang video message ang inilagay ni Pacman na humihingi ng patawad sa mga na-offend sa kanyang naunang pahayag sa issue.

Hindi naman niya binawi ang paninindigan at sa halip ay sinabing nanatiling iyon ang kanyang paniwala.

TAGS: LGBT community, pacman, LGBT community, pacman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.