Sa kaniyang televised address, Lunes (May 25) ng gabi, sinabi ng pangulo na hindi siya papayag na magsama-sama sa silid-aralan ang mga estudyante hanggang sa makatiyak na sila ay ligtas sa banta ng sakit.
Sinabi ng pangulo na walang saysay na pag-usapan sa ngayon ang pagbabalik-klase ng mga mag-aaral.
Dapat aniyang maging available muna ang bakuna bago buksan ang klase o pabalikin sa eskwelahan ang mga bata.
Una nang sinabi ng Department of Education na August 24 ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2020 – 2021.
Ayon sa Malakanyang ang mga eskwelahan na kayang makapagsagawa ng online education ay maaring magbukas ng klase.