Walang klase hangga’t walang bakuna ayon kay Pangulong Duterte
Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng klase hangga’t walang bakuna kontra COVID-19.
Sa kaniyang televised address, Lunes (May 25) ng gabi, sinabi ng pangulo na hindi siya papayag na magsama-sama sa silid-aralan ang mga estudyante hanggang sa makatiyak na sila ay ligtas sa banta ng sakit.
Sinabi ng pangulo na walang saysay na pag-usapan sa ngayon ang pagbabalik-klase ng mga mag-aaral.
Dapat aniyang maging available muna ang bakuna bago buksan ang klase o pabalikin sa eskwelahan ang mga bata.
Una nang sinabi ng Department of Education na August 24 ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2020 – 2021.
Ayon sa Malakanyang ang mga eskwelahan na kayang makapagsagawa ng online education ay maaring magbukas ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.