Bilang ng mga naka-recover na sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 297

By Mary Rose Cabrales May 26, 2020 - 05:36 AM

Muling nadagdagan ang bilang ng mga naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 297 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling (Lunes, May 25, 7:00 PM).

Ang bilang naman ng mga active cases ay nasa 89 na lamang.

Narito ang mga lugar na may active COVID-19 cases:

San Pedro – 59
Los Banos-3
Calamba – 9
Biñan – 4
Santa Rosa – 6
Cabuyao – 2
Santa Cruz – 1
Victoria – 3
Cavinti – 1
Pakil – 1

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths ay 37.

Ang kabuuang bilang naman ng kaso ng mga nagpositibo sa virus sa lalawigan ay 416.

Samantala, 1,251 ang suspected cases at 67 ang probable cases sa lalawigan.

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, laguna, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, laguna, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.