Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 278 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Lunes, May 25 6PM) umakyat na sa 278 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 117 pulis na nakarecover na habang nananatili sa 4 ang nasawi.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 761 na at 595 naman ang suspected case.

Pinayuhan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

 

 

Read more...