Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,406

By Mary Rose Cabrales May 26, 2020 - 05:00 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health-Center for Health Development Region 4A (DOH-CHD 4A), araw ng Lunes (May 25, 3:00 PM) pumalo na sa 1,406 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 23 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 310
Laguna – 419
Batangas – 174
Rizal – 418
Quezon – 85

Nasa 679 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 9 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 107
Laguna – 263
Batangas – 89
Rizal – 154
Quezon – 66

Nanatili sa 148 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 27
Laguna – 34
Batangas – 22
Rizal – 57
Quezon – 8

TAGS: calabarzon, COVID-19, DOH-CHD 4A, Region 4A, calabarzon, COVID-19, DOH-CHD 4A, Region 4A

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.