Tumaas pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Lunes, May 25) , nasa 2,617 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,400 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 889 naman ang naka-recover o na-discharge na sa ospital.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 328.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Europa na may 791 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 735 confirmed COVID-19 positive cases.
Nasa 632 naman ang kaso sa Americas at 459 sa Asia Pacific Region.