BREAKING: 284 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

By Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2020 - 04:34 PM

Nakapagtala ng 284 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon  sa datos ng Department of Health (DOH), sumampa na ngayon sa 14,319 ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa 284 na bagong kaso, 171 ay mula sa MetroManila, 70 naman ang mula sa Region 7, at ang 43 ay mula sa iba pang rehiyon.

Inanunsyo din ng DOH na mayroong 74 na bagong naka-recover sa sakit.

Dahil dito, umabot na sa 3,323 ang total number of recoveries.

Lima naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Umabot na sa 873 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths sa bansa.

 

 

 

 

TAGS: covid cases, COVID-19, doh, new covid cases, covid cases, COVID-19, doh, new covid cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.