Mga nagtitinda sa palengke sa Mandaluyong isinailalim sa rapid testing
By Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2020 - 04:22 PM
Isinailalim sa rapid testing para sa COVID-19 ang mga nagtitinda sa palengke sa Mandalyong City.
Sa pangangasiwa ng City Health Office, nagsagawang rapid test sa mga market vendor sa Barangay Barangka Drive.
Kasunod ito ng utos ni Mayor Menchie Abalos upang masiguro ang kalusugan ng mga mamimili at mga vendor sa panahon ng pag-iral ng MECQ.
Ang rapid testing ay isasagawa sa lahat ng vendors sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.