Limang barangay sa Pasay nakasailalim sa EECQ
Limang barangay na sa Pasay City ang nakasailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ).
Pinakabagong nadagdag sa mga nakasailalim sa EECQ ay ang Barangay 183.
Sa memorandum ni City Administrator Dennis Acorda, inabisuhan ang pamunuan ng Barangay 183, Liga ng mga Barangay, Pasay Police at DILG na ang naturang barangay ay mayroong 7 kaso ng COVID-19.
Dahil dito, ipatutupad ang EECQ sa naturang lugar.
Sa ilalim ng pag-iral ng EECQ tangign ang mga residente na lamang na walang PUIs at PUMs sa kanilang bahay ang papayagan na makalabas para lang bumili ng importante.
Mananatili hanggang June 7, 2020 ang pag-iral ng EECQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.