Mahigit P2 dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

May malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo bukas ng umaga, Martes May 26 ay ipatutupad ang dagdag na P1.75 sa kada litro ng gasolina, P2.65 sa kada litro ng kerosene at P2.10 sa kada litro ng diesel.

Kapwa nag-anunsyo na ng kanilang dagdag presyo ang kumpanyang Shell at Petro Gazz.

Inaasahang ngayong araw ay mag-aanunsyo na rin ng dagdag presyo ang iba pang kumpanya ng langis.

 

 

Read more...