Magnitude 5.2 na lindol tumama sa Yilan County sa Taiwan

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Yilan County sa Taiwan.

Ayon sa meteorological agency ng Taiwan, tumama ang lindol alas 6:31 ng umaga oras doon.

May lalim na 17.6 kilometers ang pagyanig at ang epicenter nito ay naitala sa karagatan ng Yilan County.

Naramdaman din ang pagyanig sa Taipei.

Wala namang napaulat na pinsala bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...