Libro ng Philhealth bukas sa mga may puna at kwestyon – Morales

Bukas ang libro ng Philhealth sa mga nais bumusisi nito.

Tugon ito ni Philhealth President and CEO Ret. Brig. Gen. Ricardo Morales sa mga nag-aakusa na may overpricing ang Philhealth para sa halaga ng COVID-19 test.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Morales na ang presyo ng COVID-19 test ay depende sa dikta ng merkado.

Tuluy-tuloy din aniya ang assessment ng Philhealth sa halaga ng test kits at procedure base sa dikta ng merkado.

Dagdag pa ni Morales, hindi lamang naman ng test kits ang halagang dapat na bayaran kapag sasailalim sa COVID-19 test ang isang indibidwal.

Mayroon din aniyang presyo ang proseso, habang ang ibang nagpopositibo ay may gastos din kapag naco-confine sa ospital.

Nanindigan si Morales na walang overpricing sa COVID-19 test.

Ani Morales, tanggap naman nila ang mga batikos at itinuturing niyang bahahi ng check and balance ang mga ito.

Sa mga mambabatas aniya na may puna o kwestyon, bukas ang libro ng Philhealth at maari nila itong suriin anumang oras.

 

 

Read more...