Listahan ng halos 8,000 pang OFWs na negatibo sa COVID-19 maari nang makuha online
Available na online ang listahan ng nasa 7,806 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nag-negatibo sa COVID-19.
Sila ay kabilang sa mga nag-negatibo sa COVID-19 sa RT-PCR test na isinagawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.
Narito ang link kung saan maaring ma-download ang listahan – https://bit.ly/2AQxhd0
Pwede ring i-screenshot lamang ang listahan at ito ang ipapakita sa PCG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), o Bureau of Quarantine (BOQ) personnelpara maka-avail ng libreng sakay papuntang PITX o NAIA.
Sa PITX o NAIA na i-re-release ang quarantine clearance ng mga OFW.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.