Pinay nagpakamatay habang nasa POLO shelter sa Lebanon

By Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2020 - 06:52 AM

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipina household service worker sa Lebanon ang pumanaw.

Ayon sa DFA, base sa impormasyon, nasa pangangalaga ng Philipppine Overseas Labor Office (POLO) ang Pinay nang ito ay magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa kwarto kung saan siya namamalagi.

Nangyari ang insidente noong May 23, 2020.

Iniimbestigahan pa ang nangyari, at tiniyak ng embahada ang kaligtasan ng iba pang OFW na nananatili sa shelter.

Bibigyan din sila ng counseling.

Ayon sa DFA, nakausap na ng embahada ang kapatid ng Pinay at maging ang pinsan nitong nasa Lebanon din.

Tiniyak naman ng pamahalaan na tutulungan ang pamilya ng OFW para sa mabilis na repatriation ng mga labi nito.

Sa ngayon ay umiiral ang lockdown sa Beirut at hindi pa naibabalik ang international commercial flights sa Lebanon.

 

 

 

TAGS: Filipina, Lebanon, polo office, polo shelter, suicide, Filipina, Lebanon, polo office, polo shelter, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.