24,000 na OFWs na nakatapos ng quarantine at negatibo sa COVID-19 iuuwi na sa kani-kanilang lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2020 - 06:30 AM

Aabot sa 24,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang ihahatid na sa kanilang mga lalawigan matapos na mag-negatibo sila sa COVID-19 at makatapos ng 14 na araw na quarantine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello na gagawin ang pagpapauwi sa mga OFW sa loob ng tatlong araw.

Ngayong araw, 8,000 na OFW ang uuwi sa kanilang mga pamilya, habang sa Martes at Miyerkules ay tig – 8,000 OFWs din ang uuwi.

Ang mga OFW ay susunduin sa kanilang quarantine facilities ng mga tauhan ng coast guard at ng DOTr, at saka dadalhin sa PITX sa Paranaque para sa mga uuwi ng lalawigan by-land.

Habang sa NAIA Terminal 3 naman para sa uuwi sa malalayong lalawigan at kailangang mag-eroplano.

Sinabi ni Bello na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang paliparan para maiuwi ang mga OFW.

Dahil sa pagpapauwi na sa mga OFW, inaasahang luluwag na din ang mga quarantine facility at magagamit naman ng mga papauwi pang OFW.

 

 

 

 

TAGS: Bebot Bello, covid pandemic, COVID-19, department of health, DOLE, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, OFWs, quarantine facilities, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bebot Bello, covid pandemic, COVID-19, department of health, DOLE, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, OFWs, quarantine facilities, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.