Bilang ng mga kumpirmadong kaso sa lungsod ng Valenzuela umabot na sa 250

Tumaas pa ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Valenzuela.

Ayon sa datos ng Valenzuela City Health Office – City Epidemiology and Surveillance unit (10:00PM,Linggo, May 24), nadagdagan pa ng 9 na kaso ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lungsod kaya’t umabot na ito sa 250.

Sa nasabing bilang, 181 ang active cases.

Nanatili naman sa 12 ang bilang ng nasawi habang 57 naman ang bilang ng naka-recover.

 

 

 

 

Read more...