Roxas City nakapagtala ng pinakamataas na heat index

By Mary Rose Cabrales May 25, 2020 - 05:10 AM


Nakapagtala ng mataas na heat index ang 6 na lugar sa bansa, araw ng Linggo, May 24.

Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Roxas City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 46 degrees Celsius (alas-2:00 ng hapon).

Naitala naman ang 45 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa Catbalogan City at Sangley Point, Cavite.

Samantala, naitala naman ang 44 degrees Celsius na heat index sa sumusunod na lugar at oras:

Alabat, Quezon (5:00PM)

Calapam City (2:00PM)

Zamboanga City (11:00AM)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index, Pagasa, Temperature, heat index, Pagasa, Temperature

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.