BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 14,035
Tumaas pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa huling datos ng DOH hanggang 4:00, Linggo ng hapon (Mau 24), sumampa na sa 14,035 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 9,918 ang aktibong kaso
Sinabi ng kagawaran na 258 ang panibagong nadagdag na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa mga bagong kaso, 195 o 75 porsyento ay napaulat sa National Capital Region; 51 o 20 porsyento sa iba pang lugar; habang 12 o limang porsyento ay repatriates.
Ayon pa sa DOH, lima pa ang nasawi kung kaya 868 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.
72 naman ang bagong gumaling sa pandemya.
Bunsod nito, nasa 3,249 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.