Filipino nurse, sugatan dahil sa artillery fire sa Libya

By Angellic Jordan May 24, 2020 - 04:35 PM

Sugatan ang isang 60-anyos na Filipino nurse makaraang sumiklab ang artillery fire sa bahagi ng Libya.

Bunsod nito, nagpaalala ang Philippine Embassy sa Libya sa Filipino community sa nasabing bansa na maging maingat.

Sa mga Filipinong nasa o malapit sa mga lugar na pinangyayarihan ng pagsabog, sinabi ng embahada na manatili na muna sa loob ng kanilang bahay.

Kung maaaring lumikas muna, lumipat sa ibang bahagi ng Tripoli na ligtas.

“Dahil sa patuloy na karahasan, nananawagan pong muli ang Pasuguan sa mga kababayan sa Tripoli na panatilihin nila ang mataas na antas ng kamalayan para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Sakaling mangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa embahada sa numerong +218 94 454 1283 o sa +218 91 824 4208.

TAGS: artillery fire in Libya, Inquirer News, Philippine Embassy in Libya, Philippine Embassy sa Libya, Radyo Inquirer news, artillery fire in Libya, Inquirer News, Philippine Embassy in Libya, Philippine Embassy sa Libya, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.