Sa kabila ito ng dalawang buwang suspensyon ng construction activities bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Emil Sadain, DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations & Technical Services, nasimula na muli ang pagsasaayos sa 18.97-kilometer project.
Ang proyekto ay may tatlong contract packages.
Ipinag-utos na nina Project Director Virgilio Castillo at Project Manager Francisco Sawali ng UPMO-Roads Management Cluster 1 (Bilateral) sa Marawi road contractors na mabilisan ang konstruksyon para mapunan ang dalawang buwang suspensyon nito dahil sa lockdown.
Sinabi pa ni Sadain, DPWH Focal Person in the Inter-Agency Task Force Bangon Marawi, agad silang nakipag-ugnayan sa DPWH UPMO-RMC1 at contractors nang alisin ang local community lockdown sa Marawi City para magbalik trabaho.
Ang pagbabalik-trabaho aniya ay tumatalima sa inilabas ni DPWH Secretary Mark A. Villar na construction safety guidelines para sa implementasyon ng infrastructure projects sa kasagsagan ng “new normal.”