Pagdating sa bansa ng BRP Jose Rizal, ibinida ng Palasyo

By Chona Yu May 24, 2020 - 02:22 PM

Ibinida ng Palasyo ng Malakanyang ang makasaysayang pagdating sa bansa ng BRP Jose Rizal, ang kauna-unahang guided-missile frigate ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na pursigido si Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“The arrival of the country’s most advanced warship, delivered during this Administration, is a testament to President Rodrigo Roa Duterte’s commitment to modernize our armed forces. This forms part of the national leadership’s initiative to enhance the country’s defense capabilities to secure our seas against current threats,” pahaayg ni Roque.

Ayon kay Roque, malaking breakthrough sa Philippine Navy ang pagdating ng bagong barkong pandigma.

“We consider this a breakthrough in the Philippine Navy’s transformation journey in our goal of building a strong and credible maritime force,” pahayag ni Roque.

Dumaong sa Subic, Zambales ang barko matapos ang limang araw na paglalayag mula sa shipyard ng Ulsan, South Korea.

Binili ng Pilipinas sa South Korea ang barko sa halagang P8 bilyon.

Nabatid na ang BRP Jose Rizal ay may missiles, torpedoes, at iba pang weapon systems.

May kakayahan ang 107-meter long vessel na anti-surface, anti-air, anti-submarine, at electronic warfare at may maximum speed na 25 knots.

TAGS: BRP Jose Rizal, guided-missile frigate, Inquirer News, philippine navy, Radyo Inquirer news, Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Sec. Harry Roque, BRP Jose Rizal, guided-missile frigate, Inquirer News, philippine navy, Radyo Inquirer news, Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.