Hinatuan, Surigao del Sur magkasunod na nilindol
Magkasunod na nakaranas ng lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur Linggo ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, unang tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa layong 36 kilometers Southeast ng Hinatuan bandang 1:05 ng hapon.
Pitong kilometers ang lalim nito.
Makalipas lamang ang apat na minuto, yumanig naman ang magnitude 3.8 na lindol sa layong 34 kilometers Northeast ng kaparehong bayan.
11 kilometers naman ang lalim ng pagyanig.
Kapwa tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.
Sinabi ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala at aftershocks ang mga pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.