Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 63 kilometers Southeast ng Governor Generoso bandang 11:46 ng umaga.

58 kilometers ang lalim at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na hindi nagdulot ang lindol ng pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...