Palasyo nagpaabot ng pagbati sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Nagpaabot ng pagbati si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa mga Muslim na nagdiriwang ng Eid’l Fitr o Festival of Breaking the Fast.

Ayon kay Andanar, hindi biro ang paggunita sa Ramadan dahil sa kinakaharap na problema sa COVID-19.

“Although it was a challenge to abstain from sharing meals and praying together throughout the blessed month of Ramadan, may you all continue to praise Allah for bestowing upon you the strength and courage not only in obeying His commandments, but also in facing the effects of the pandemic,” pahayag ni Andanar.

Umaasa si Andanar na ngayong tapos na ang Ramadan ay maging sandalan ito ng mga Muslim para maisabuhay pa ang islamic virtues.

“May this renewed spiritual attainment strengthen your resilience and commitment to the exemplary Islamic virtues, especially at this time when we continue to face the challenges and uncertainty brought by the COVID-19 pandemic,” pahayag ni Andanar.

Umapela rin si Andanar na patuloy na sundin ang community quarantines, social distancing at iba lang health protocols kontra COVID-19 habang ginagwa ang selebrasyon sa Eid’l Fitr.

Read more...