Global death toll dahil sa COVID-19, higit 343,000 na
Pumalo na sa mahigit 343,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 343,982 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 98,683.
Sumunod na rito ang United Kingdom na may 36,675 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 32,735 naman ang death toll sa Italy habang 28,678 ang napaulat na nasawi sa Spain.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 28,332
– Brazil – 22,165
– Belgium – 9,237
– Germany – 8,366
– Iran – 7,359
– Mexico – 7,179
– Canada – 6,355
– Netherlands – 5,811
– Turkey – 4,308
– Sweden – 3,992
– India – 3,868
– Russia – 3,388
– Peru – 3,373
– Ecuador – 3,096
– China – 4,634
– Pakistan – 1,101
– Chile – 673
– Saudi Arabia – 379
– Qatar – 21
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,404,648 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 2,247,250 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.