Resorts World Manila, bumuo ng anti-virus patrol vs COVID-19

Bumuo ang private integrated resort na Resorts World Manila sa Pasay City ng anti-virus patrol o AVP sa gitna ng banta ng COVID-19.

Isinagawa ang hakbang kasabay ng muling pagbubukas ng mall at inaasahang pagkakaroon ng tinatawag na ‘new normal.’

Ayon kay Stephen Reilly, chief operating officcer ng Resorts World Manila, layon ng AVP na masigurong masusunod ang ipinatupad na health protocols ng gobyerno.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng face masks, pagsunod sa social distancing at pagtalaga ng disinfecting stations sa paligid nito.

Gagamit din ang resort ng makabagong teknolohiya para protektahan ang mga pupunta rito sa pamamagitan ng paglalagay ng 3-in-1 disinfecting, facial recognition, temperature scanning chambers, foot and car bath mats, UV scanners sa handrails ng escalators at document disinfecting scanners.

Dadalasan din ang schedule ng pagsasagawa ng fogging sa mall.

Read more...