Metro Manila at ilang lugar, uulanin sa susunod na mga oras
Makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Sa thunderstorm advisory bandang 4:12 ng hapon, mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang asahan sa Metro Manila at Nueva Ecija.
Uulanin din ang bahagi ng Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Sinabi ng weather bureau na iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Nagbabala naman ang PAGASA sa mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.