outbrain

14 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA

By Angellic Jordan May 23, 2020 - 04:41 PM SHARE(S):

Nasa 14 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 23, umakyat na sa 878 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Nasa 2,522 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,353 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Samantala, 291 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 785 na kaso.

Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 719 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 560 naman ang kaso sa Americas at 458 sa Asia Pacific Region.

TAGS: COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.