outbrain

BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 13,777

By Angellic Jordan May 23, 2020 - 04:17 PM SHARE(S):

Tumaas pa ang bilang ng naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (May 23), umakyat na sa 13,777 ang buong bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa kabuuang bilang, 9,737 ang aktibong kaso.

180 ang panibagong napaulat na COVID-19 cases sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Sa nasabing bilang, 114 o 63 porsyento ay naitala sa National Capital Region habang 66 o 37 porsyento sa iba pang lugar.

Ayon pa sa DOH, anim ang bagong nasawi kung kaya nasa 863 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Samantala, 85 na pasyente naman ang bagong gumaling.

Bunsod nito, ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas ay 3,177 na.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 deaths in the Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries in the Philippines, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 deaths in the Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries in the Philippines, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.