outbrain

P81.6-M halaga ng shabu, nasabat sa Taguig City

By Angellic Jordan May 23, 2020 - 04:29 PM SHARE(S):

Nakumpiska ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang P81.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa anti-illegal drug operation sa Lower Bicutan, Taguig City bandang 7:00, Biyernes ng gabi (May 22).

Ikinasa ang operasyon ng Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Unit – NCRPO, Regional Drug Enforcement Agency, District Intelligence Division – Southern Police District at Taguig City Police Station katuwang ang Philippine National Police – Drug Enforcement Group Special Operations Unit 4.

Nagresulta ang buy-bust operation sa bahagi ng North bound, C6 Road sa pagkakaaresto sa dalawang armadong suspek na sina Ryan Labandaria at Ervyn Querubin.

Batay sa imbestigasyon, nang mapansin ng mga suspek na isang pulis na poseur buyer ang katranskasyon, agad kumuha ni Labandria ang baril at itinutok sa isa pang pulis.

Sumakay ang mga suspek sa kulay itim na Nissan Navarra na minaneho ni Querubin patungong Barangay New Lower para tumakas ngunit nahuli rin ng mga otoridad.

Nauwi sa engkwentro ang operasyon at nagkapalitan ng putok ng baril ang mga pulis at dalawang suspek.

Nasawi ang dalawang suspek sa opsital dahil sa mga tinamong tama ng bala.

Narekober ng mga otoridad sa dalawa ang ang ginamit na P1 milyong buy-bust money, isang Toyota Altis, isang Nissan Navarra, caliber 45 pistol at KG9 sub machine gun na kargado ng mga bala at 12 malaking pack ng ilegal na droga na nakabalot sa Chinese Tea Bag packaging.

Tinatayang may bigat na mahigit-kumulang 12 kilo ang hinihinalang shabu.

Dinala ang mga ebidensya sa RSOG-NCRPO habang ang ilegal na droga ay dinala sa PNP Crime laboratory para sa eksaminasyon.

Sinabi ni Sinas na isa ito sa pinakamalaking halaga ng shabu na nasamsam ng NCRPO sa taong 2020.

“This accomplishment is reflective of Team NCRPO’s dedication and unwavering support of the marching order of the President and the Chief, PNP to cleanse the Metro from proliferation of illegal drugs,” pahayag ng NCRPO chief.

TAGS: buy bust operation, buy-bust operation in Taguig City, confiscated illegal drugs, confiscated illegal drugs in Taguig City, Inquirer News, NCRPO, Radyo Inquirer news, shabu, buy bust operation, buy-bust operation in Taguig City, confiscated illegal drugs, confiscated illegal drugs in Taguig City, Inquirer News, NCRPO, Radyo Inquirer news, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.